Impeach trial tapusin ngayong taon — Miriam

KAILANGANG tapusin ang impeachment trial ngayong taon kung ayaw ng lahat na mauwi sa wala ang imbestigasyon na magsisimula na sa Mayo 9 sa pagbubukas ng sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ito ang binigyang diin ni Senadora Miriam Defensor Santiago dahil tiyak umanong ngagawa ng paraan ang depensa para mapatagal ang imbestigasyon sa pamamagitan ng delaying tactics na inaasahang magaganap sa impeachment trial laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

“Usually kung ikaw ang nademanda, ikaw ang nagpapa-delay niyan, that is accepted facts of life,” ani Santiago.

Aniya, ginagawa ito ng mga panig ng mga nagdedepensa upang ma-discourage ang mga hukom lalo na kapag naghahabol sa oras, tulad ng Senado na may nakalinyang mahahalagang panukalang batas na dapat ipasa.

Ipinaliwanag din ng senadora na sa December 2012 ay magreretiro na si Merceditas Gutierrez, kung saan na kapag inabot ang impeachment trial sa susunod na taon sa pagitan ng buwan ng Marso, malamang ay ipatigil na lamang ng Senado ang paglilitis. Vicky Cervales

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply