‘In’ na fashion patok sa Urban Behavior

MAHILIG ka  bang mag-shopping at pumorma? Tipo ka ba ng tao na gusto ay laging nasa uso o “in” sa fashion subalit nangangamba ka na “short” o kapos ang badyet mo?

Worry no more dahil kung akala mo ay sa Divisoria, Greenhills at Quiapo lang mura ang mga bilihin, na ang panunganin mo namang problema ay siksikan dahil sa dami ng tao, subukan mong bisitahin ang Urban Behavior sa Avenida Manila.

Tonk top, sleeveless, spaghetti straps, razor back top,  dress, polo shirts, blouse na iba’t ibang uri ang design at tabas, skinny jeans, stilettos, flat shoes at doll shoe etc para sa girls, t-shrts, polo shirts, rubber shoes, pantalon for boys, lahat yan gaya ng sa Divisoria at Greenhils ay makikita at mabibili rin sa Urban Behavior.

Marami rin silang bags, belts, slippers, medyas, panyo at sombrero para sa girls at boys. Maging kids wear na pawang nasa murang halaga lang.

Ang P500 o P1000 mo ay sulit na sa lugar na ito.

Ano nga ba ang Urban Behavior? Ito ay isang store ng mga damit, sapatos at accessories para sa babae, lalaki at bata. Ang tindahan na ito ay maaring bumili ng paisa-isa o maramihan (retail or whole sale).

Makabibili sa tindahan na ito ng sarili nilang produkto o kaya naman ay produkto ng ibang brand ng damit at sapatos.

Matatagpuan ang Urban Behavior sa Avenida, Manila na may dalawang branch, ang isa ay malapit sa Carriedo Station ng LRT Line 1 at ang isa naman ay malapit sa Recto Avenue.

Pitong-taon na ang nasabing tindahan at ayon sa may-ari nito at ang tumatayong vice president for marketing na si Mike Monroe Yu lumalakas ang Urban Behavior at nakikipagsabayan sa ibang tindahan sa Avenida.

Upang mas mapalakas ang Urban Behavior ay kumuha ang kumpanya ng mga bagong teen star sa iba’t ibang istasyon gaya ng isa sa pinakabagong love team ng GMA-7 na sina Louise delos Reyes, a.k.a “Alakdana” (isang pang-araw-araw na panghapong  teleserye sa Siyete pagkatapos ng Eat Bulaga) at Alden Richards.

Ang dalawang tindahan ay parehong may dalawang palapag at airconditoned. Sadyang mababa ang presyo nito at hindi mo na kailangan pang makipagsiksikan at makipagtawaran.

Mayroon silang sariling fitting room. At ayos naman ang atmosphere ng tindahan. May security guard at friendly ang sales ladies.

Madali lang hanapin ang Urban Behavior dahil malapit lang ito sa LRT1 Carriedo station sa Avenida, Manila.

Ayon pa sa may-ari, plano rin nilang magtayo ng Urban Behavior sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at sa ibang karatig na probinsya.

Kaya kung nais mong iwasan ang tawaran at siksikan sa mga tiyangge, subukang bisitahin ang Urban Behavior lalo na kung hanap mong damit, sapatos at pantalon ay fashionable, “in”, komportable at mura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply