Inambus na Maguindanao prosecutor pumanaw na

NAMATAY na kahapon ng umaga, Abril 2 si Maguindanao Provincial Prosecutor Akilali Balt, na inambus ng umano’y mga tauhan ng kapatid ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu, matapos ang ilang araw na pagkaka-comatose.

Kinumpirma ni Alvin Balt, anak ng nasabing prosecutor, ang pagpanaw ng kanyang ama kahapon ng 8:08 ng umaga.

Noong nakaraang Marso 18, ay inambus ang prosekutor at kanyang drayber sa Pansacala Street, Cotabato City

Bumuo na ang Department of Justice (DOJ) ng panel na mag-iimbestiga sa umano’y partisipasyon ni Buluan Mayor Ibrahim Mangudadatusa insidente.

Nauna nang itinanggi ni Ibrahim ang akusasyon laban sa kanya.

Inginuso naman ni Aminah, ang anak na babae ni Balt si Ibrahim.

Iniutos na rin ng naturang panel para kasuhan si Acmad Makakena Maliga, ang umano’y  gunman na mabilis namang nadakip ng pulisya matapos ang insidente.

Mismong si Maliga ang nagsabing ang naturang mayor ang  mastermind sa pagpatay.

“I immediately directed [Prosecutor General Claro Arellano] to monitor this case. I also directed the prosecutors to file an urgent motion with the court there for transfer of custody of Maliga to Manila,” pahayag ni Justice Secretary Leila De Lima. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply