INC sinuwag ang CBCP hinggil sa RH bill

KINONTRA ng Iglesia ni Cristo (INC) ang mahigpit na paninindigan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ukol sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) Bill.

Kinumpirma ni Gabriela Rep. Emmie de Jesus na noon pang nagdaang taon ay ipinadala na ang liham mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo na si Kapatid na Eduardo Manalo sa chairman ng  House committee on population and family relations na si Biliran Rep. Rogelio Espina ang pagsuporta ng INC sa RH Bill.

Ayon kay De Jesus, vice chairman ng komite, ang suportang ito ng INC ay maituturing na “positive move as an additional support to the passage of the RH bill.”

Bagama’t hindi makontak ng mga mamamahayag si Espina, kinumpirma ng kanyang staff na ang liham ay ipinadala sa kongresista noon pang Oktubre 2010. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply