Indian national umalma sa holdap, inutas

PATAY ang isang Indian national matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang holdaper sa Quezon City kaninang umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Baljeet Singh, 40, Indian national, 39 ng Pound St., CBE Town House Brgy., Pasong Tamo Quezon City, sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Inilarawan ni P/Supt. Ronie Montejo, hepe ng Quezon City Police Station 6 ang dalawang suspek na tumakas matapos isakatuparan ang krimen na naka-suot ng bonnet at armado ng kalibre 38 revolver habang ang ikalawa ay naka-polo shirt na stripe at maong pants.

Sa ulat ni PO1 Jayson Tolentino, naganap ang pamamaril bandang 8:05 ng umaga sa Martan St., Brgy., Commonwealth.

Ayon sa saksi na si Gemma Dacuycoy, 46, ng 263 Martan St., Brgy., Commonwealth, abala siyang nagwawalis sa harapan ng kanilang bahay nang makitang naglalakad ang biktima galing sa paniningil ng mga pautang.

sa hindi kalayuan ay lumapit umano ang dalawang suspek sabay bumunot ng baril at tinutukan ang biktima pero nang tumanggi si Singh na ibigay ay ang kanyang pera ay dito na siya pinaputukan ng mga salarin.

Nang tumumba ang biktima ay agad kinuha ng dalawa ang pera sa bulsa ni Singh.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek muling pinutukan ang biktima bago nagsitakas. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply