Indonesia niyanig ng magnitude 6.7 na lindol

TINAMAAN ng magnitude-6.7 na lindol ang baybayin ng Indonesia Lunes ng umaga, Abril 4, iniulat ng U.S. Geological Survey (USGS).

Dahil dito, nag-isyu ng tsunami alert ang Pacific Tsunami Warning Center ngunit napakaliit lang ng posobilidad na maapektuhan nito ang  mga baybayin ng lugar.

“A very small possibility of a local tsunami that could affect coasts located usually no more than 100 kilometers (62 miles) from the earthquake epicenter,” ayon sa ulat.

Ang epicenter ng naturang lindol ay nasa 149 miles (240 kilometers) east-northeast ng Christmas Island at may lalim na 14.9 miles, ayon sa USGS. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply