Init sa bansa titindi pa

INAASAHANG mas lalo pang titindi ang mararanasang init sa mga susunod na linggo, ayon sa PAGASA.

Ito ay dahil sa kawalan ng mga weather system na maaaring magpahupa sa mataas na temperaturang dala ng summer season sa ating bansa.

Nabatid sa Pagasa na kahit nakararanas ng easterly wave sa Visayas at Mindanao at cold front naman sa Luzon, halos hindi nararamdaman dahil napakahina lamang ng mga ito kumpara sa mataas na temperaturang umiiral.

Kaugnay nito, inaasahang papalo ng hanggang 35 degrees Celsius ang temperatura sa Metro Manila habang 36 degrees Celsius naman sa Tuguegarao City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply