Insurance declaration dinoktor ng importers

KAKALKALIN ng Bureau of Customs (BOC) ang insurance declarations ng mga inangkat na mga produkto ng bansa simula pa noong 2010.

Ang hakbang na ito ay naglalayong wakasan ang malawakang gawain ng mga importers na binababaan ang deklarasyon ng kanilang mga insurance premiums upang babaan din ang kanilang mga buwis sa mga paparating na kargamento.

Binabase umano ang buwis o taripa sa mga produkto sa kanilang mga binabayarang insurance premiums.

Naniniwala si Customs Commissioner Angelito Alvarez na aabot sa P100 milyon ang matutuklasang halaga na nawala sa pamahalaan noon lamang 2010.

Inatasan ni Alvarez ang lahat ng District Supervisor ng ahensya na repasuhin ang lahat ng marine insurance policies na hawak ng customs at kung matuklasan ang mga pandaraya ay abisuhan ang mga kompanyang sangkot.

Ang mga kumpanyang hindi magbabayad ng kanilang mga kakulangan ay kukumpiskahin ang mga importasyon sa hinaharap at kung ayusin ang depekto ng kanilang mga premiums ay saka lamang makukuha ang kanilang mga kargamento.Ben Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply