Intelligence minister ng Iran, nag-resign

NAG-RESIGN na ang Intelligence Minister ng Iran na si Heydar Mosleni kahapon, Abril 17.

Hindi naman tinanggap ang kanyang pagbibitiw ni Iran’s Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei.

“Heydar Moslehi will continue his work as the intelligence minister after the supreme leader rejected his resignation,” ayon sa report ng ISNA student news agency.

Subalit may lumabas na balita na tinanggap na umano ang pagbibitiw ni Mosleni ni Iran President Mahmoud Ahmadinejad.

Base sa batas ng Iran kinakailangan na aprubahan ng Supreme Leader nila ang pagtatalaga at pagbibitiw ng isang miyembro na kanilang kabinete.

“It is a serious blow to Ahmadinejad … The rejection shows who is the boss in Iran,” pahayag naman ng political analyst. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply