International Triathlon sa Subic sa Sabado, Linggo

KASUNOD ng matagumpay na Sportsfest sa Olonggapo noong nakaraang buwan, isang palaro na 2011 ITU-R-Swiss Subic Bay International Triathlon (SUBIT) ang nakatakdang ganapin sa Sabado’t Linggo sa Subic Bay Freeport.

Tampok sa pagtatapos ng Linggo na lalahukan ng 13-15 age group ang 350m swim, 10.5km bike race at 2.5km run.

Bukod sa pambato ng local contingency na si 14 year old Gabriel Allan Santiago, kasama sa mga batang triathletes sina Sixto Latampo ng Cagayan de Oro City, Mohd Tareet ng Malaysia at ang 2009 champion na si Rommel Uy ng Bacolod City.

Banta rin sina Jimuel Pantilan ng Misamis Oriental, Josemari Santos, Joel Nobles IV, at Javier Otama ng Metro Manila.

Sampung kababaihang triathletes sa pangunguna ni Aicsija Tanisha Tarid ng Malaysia, Victoria Delidio ng Misamis Oriental ang kabilang sa distaff side ng competition sa pagtataguyod ng Speedo, David’s Salon, Century Tuna, Asian’s Centre for Insulation Philippines, Gatorade, Fitness First, Timex, Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply