Inutil at walang silbi ang gobyerno ni Mayor Bistek

INUTIL sa dilang inutil umano ang pamunuan ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista.

Sa kabila kasi ng pagtutol ng simbahan sa pagpapatayo ng isang motel na malapit sa Apostolic Catholic Church ay patuloy pa rin ang konstraksyon sa nasabing motel.

Ayon kay Prof. Arsenio Organo, adviser ng Apostolic Catholic Church, walang silbi at inutil ang pamahalaan ni Mayor Bautista sa mga karaingan ng kanyang mga constituent.

Sinabi ni Organo,walang masama sa pagpapatayo ng isang motel sa isang barangay pero sana naman daw ay tiningnan muna nila ang lugar na pagtatayuan.

Sinabi pa ni Organo na malinaw pa raw sa sikat ng araw na paglabag sa Building Code of the Philippines ang ginawa nilang pagtatayo ng motel  na pag-aari ng NICE.

Ayon kay Organo, ang itinatayong motel, bukod sa lumabag sa building code  ay ilang metro lang ang layo nito mula sa simbahang Katoliko at dalawang eskuwelahan sa barangay na manganganib sa usapng moralidad lalo na sa hanay ng mga kabataan.

Diin ni Organo na concerned  lang sila sa isyu ng moralidad at ang magiging epekto nito sa mga kabataan pag magtuloy-tuloy ang operasyon ng motel.

Mariin ding binatikos ni Organo na walang silbi at inutil  daw ang Business Permit Licensing Office (BPLO) sa kabila ng nagsagawa na ng mga kilos protesta ang simbahan sa “No to Motel.”

Patuloy pa rin ang ipinatatayong motel sa lugar at hindi ito napahihinto kahit lumabag ito sa building code.

Ang pinagtatakahan ng adviser ng catholic church ay kung paano nakakuha ng permit ang itinatayong motel sa Eng’g Department ng Quezon City dahil malinaw daw na lumabag ito sa Building Code of the Philippines  ang itinatayong gusali dahil katapat lang nito ang simbahan at 2 eskuwelahan.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply