Ipako sa krus ang magulang ni Jan Jan – NP spokesman

KINAMPIHAN ng tagapagsalita ng Nacionalista Party (NP) na si Gilbert Remulla si Willie Revillame hinggil sa paratang na pagsasamantala sa anim-na-taong-gulang na anak nang pagsayawin ang huli sa programa pangtelebisyon ng kongrobersiyal na host.

Ayon kay Remulla, isa sa sinuportahan ni Revillame noong nakaraang pambansang halalan,  itinuturing na “least guilty” ang TV host dahil walang iligal na nangyari sa pagsasayaw ni Jan Jan Suan na ala-macho dancer sa programang “Willing Willie” noong Marso 21.

Sinabi ni Remulla, na kung mayroon na dapat ipako sa krus ay walang iba  kundi ang magulang nitong nagturo na paggiling sa bata.

“He (Revillame) is the least guilty. Ang dapat panagutin diyan, sino ba ang nagdala kay Janjan( sa show)? Sino ang nagturo sa kanya ng macho dancing?” tanong ni Remulla.

Nilinaw din ni Remulla na hindi posisyon ng partido Nacionalista ang pahayag, bagkus personal na opinyon lamang niya nito.

Isa si Remulla sa 12 kandidato sa pagka-senador na tinulungan ni Revillame sa kampanya noong 2010 elections. Hindi nanalo si Remulla.

Tiwala din ang tagapagsalita ng NP na malulusutan ni Revillame ang mga asuntong posibleng kaharapin niya dahil sa pagsasayaw ni Janjan sa kanyang programa.

“What is deemed immoral may not be deemed illegal. Imoral man yung ginawa niya dahil pinasayaw yung bata, pero iligal ba yun?”pagtatanong ni Remulla.

Ang korte na lang umano ang dapat humusga kay Revillame dahil kung ipapaubaya pa ito sa ibang sangay ng gobyerno ay mahahaluan lamang ito ng “kulay pulitika,” bukod pa sa may interes dito ang nagkukumpetisyon na television station sa bansa. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply