Iran inatake ng virus, US at Israel sinisi

INATAKE na naman ng computer virus ang bansang Iran ayon kay Iranian Civil Defense commander Gholam Reza Jalali.

Ang naturang virus ang na tinawag na “Stars” ay humahalo umano sa mga program at hindi naman ito kaagad nakakaminsala.

“Certain characteristics about the Stars virus have been identified, including that it is compatible with the targeted system,” ayon kay Jalali.

Kung hindi umano ito nakita ng kanilang mga scientists ay malamang makapaminsala ito nang malaki dahil mapagkakamalan itong executive files ng gobyerno. Kaagad naman itong naagapan ng kanilang mga eksperto.

Sinisi naman nilang ang Amerika at Israel sa naturang atake dahil katulad umano ito noong nakaraang taon nang salakayin sila ng Stuxnet virus kung saan naapektuhan nito ang halos 30,000 computers sa bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply