Iraq palalayasin ang Iranian Exile

NAPAGBOTOHAN kahapon ng gobyerno ng Iraq na paalisin na ang Iranian exile na nakatira sa isang refugee camp sa isang desierto sa lalawigan ng Diyala, Iraq.

Ipinahayag ni Ali al-Dabbagh ang spokesman ng gobyerno ng Iraq na hindi nila i-dedeport ang mga tao sa refugee camp pabalik sa Iran pero hindi nito sinabi kung saan nila dadalhin ang mga ito.

“They need to leave Iraq by the end of the year. Iraq is not the choice for them. We have to find a nation where they can go, and we will look to the UN to help,” ayon kay al-Dabbagh.

Hindi pa umano pinapapasok ng mga Iraqis ang mga U.N. observers sa naturang kampo simula ng sumiklab ang kaguluhan noong nakaraang biyernes na ikanasawi ng 12 at ikanasugat ng 38 katao. Ang naturang dami ng mga nasawi ay kinontra ng mga tumatayong lider ng refugee camp na nagsasabing umabot umano ng 34 ang napatay at daan-daan ang nasugatan.

Ang naturang kampo ay naitayo noong kapanahonan ni Saddam Hussien matapos payagang makapagtayo ng isang refugee camp ang mga tumatakas galing sa bansang Iran. Madalas itong pinag-uugatan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply