Iron Men at Sumos sa PBA D-League Foundation Cup

MAGBABANGGAAN sa Group B ang Cobra Energy Drink at ang Max! Bond Superglue at ang labanan ng Blackwater kontra Pharex sa Lyceum Gym na handog ng D-League Foundation Cup ngayong hapon, Abril 14.

Ipapagpag ng Iron Men ang ilang araw na pahinga laban sa koponan na itinuturing na may kabigatan.

Huling nasabak sa laro ang Iron Men noong Marso 21 nang padapain ang Junior Powerade.

Ang Sumos na tangan ang 1-1 win-loss slate naman ay handang-handa nang makipagbakbakan sa napapabor na Iron Men. Susunod ito dakong alas-dos ng hapon sa laro ng Pharex Bidang Generics at ng Blackwater Elite para makakalas ang isa sa kanila sa second position upang pumantay sa nangungunang NLEX Road Warriors na nasa tuktok ng team line-up na tangan ang 3-1 slate. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply