Isa pang Pinoy na nahatulan ng bitay sa China iaapela ng Malakanyang

MAGHAHAIN ng apela ang Malakanyang sa hatol na bitay na iginawad sa isa pang Pinoy na sangkot din sa iligal na droga sa China.

Tiniyak ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Sec. Ramon Carandang na mananatili ang kanilang commitment na tulungan ang sinumang kababayan na nangangailangan ng tulong.

“Bilang isang bansa na walang death penalty, we would make representations to countries that do have the death penalty if they could commute to life sentence the sentences of Filipinos who will face the death penalty,” ayon kay Carandang.

Sinabi nito na gagawin din nila ang pakiusap na ginawa nila para kina Ramon Credo, Sally Villanueva at Elizabeth Batain bago pa bitayin ang mga ito kamakailan.

Una ng kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa pang Pinoy sa Guangzhou ang convicted sa drug trafficking at nakabinbin ito sa Supreme People’s Court.

Pero tulad ng kanilang naunang posisyon, nasa korte ng China pa rin umano ang pinal na desisyon kung may makikita silang merito sa apela.

“It will depend on the Chinese courts’ appreciation of the facts and of the case and in some cases, they will and in some cases they will not,” anito.

Samantala, hindi naman ikinahihiya ng Malakanyang kung mayroon mang tatlong Pinoy sa Thailand na nahulihan ng shabu.

Ayon kay Carandang ay hindi lamang naman ang mga Pinoy ang may ganitong kaso sa ibang bansa at nahahatulang mabitay.

“It’s just that that’s what comes to our attention here in the Philippines. But, you know, there are nationals who get busted for drugs all over the world. I don’t think anybody sees that as a reflection of our country and our countrymen. These are isolated cases.” Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply