Isa pang transport group pumalag sa fuel subsidy

ISA pang transport group ang pumalag at alok na fuel subsidy ng gobyerno sa hanay ng transportation sector.

Iginiit ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas at spokesperson ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK), na hindi kailangan ng transport sector ang subsidy kundi ang modernization bilang ultimate solution sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petroleum.

Naniniwala si Marquez na hindi na baba ang presyo ng petroleum kung kaya’t ang kailangan gawin ng gobyerno ay magpatupad ng long-term solution tulad ng modernization program.

Hinamon ni Marquez ang administration ni Presidente Benigno Aquino, III at Transportation and Communications Secretary Jose “Ping” De Jesus na magpatupad ng tunay na “political will” sa programa ng Land Transportation Modernization Program (LTMP) katulong ang Department of Environment and Natural Resources, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Trade and Industry at ang Department of Science and Technology (DENR-LTO-LTFRB-DTI-DOST) na ipatupad ang maraming approved alternative fuel para sa public transportations.

“These alternative fuel such as Compress Natural Gas, Bio-diesel, Coco-diesel, Re-powering, Liquefied Petroleum Gas have been proven friendly users and economicall. Pero nasaan?”

Ibinigay halimbawa ni Marquez ang programang re-powering na panahon pa ni dating Pangulong Gloria Arroyo ay aprub na at binigyan na ng budget subalit hanggang ngayon ay walang nagyayari at hindi alam kung saan na napunta ang milyun-milyong budget.

Ayon kay Marquez ang mga alternative fuel na ito ay gustong gamitin ng mga driver subalit hindi magamit dahil na rin sa kawalan ng mahusay na programa.

Umaasa si Marquez na sa ilalim ng administrasyon ni Aquino at Sec. De Jesus ng (DoTC) ay mabibigyan ng pansin ang lahat ng ito para na rin sa long term-program sa public transportation. Alex Ching

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply