1 Pinoy na lang ang nasa death row sa China — DFA

NILINAW ngayon, Abril 3, ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino na lamang ang nasa death row sa China, taliwas sa unang lumabas na balita na 73 pa nakatakdang bitayin doon.

Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Eduardo Malaya, wala anyang katotohanan na 73 pang mga kababayan natin ang nasa death row sa China, ang mga ito anya ay binigyan ng dalawang taong reprieve na halos katumbas ng habam-buhay na pagkabilango.

Ipinaliwanag ni Philippine Consul Noel Novicio na ang parusang kamatayan sa ilalim ng batas sa China ay maaaring ibaba sa habambuhay na pagkabilango sa loob ng dalawang taong reprieve depende sa ipakikitang ugali ng bilango sa loob ng kulungan.

Ayon kay Malaya, anim na Filipino ang naparusahan ng kamatayan sa China kasama na dito ang tatlong binitay noong Marso 30 na sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Dalawa sa mga ito ay nabigyan na ng 2 taong reprieve at ang isa naman ay kasalukuyang naghihintay ng kanyang apela sa Supreme People’s Court sa China. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply