Isang mensahe ng OFWs at kurakot sa Senado

SEMANA Santa na at gusto nating magkaroon ng tigil-putukan o ceasefire sa ating mga pagpuna lalo na sa mga korap sa pamahalaan at gago sa mga lansangan.

Gusto rin nating maipahayag ng ating mga mambabasa ang kanilang mga nasa isipan, damdamin o balita.

At ito ang ating gagawin ngayon.

MENSAHE NG OFWs

@remate tabloid: Thanks for posting, we expect for more news lalo na’t naho-homesick kami. Pero sana mas marami ang mga maga-gandang balita. Maraming salamat. OFW Admins/Facebook
KURAKOT SA SENADO

Kung mangurakot, bilyon-bilyon. Pero mapa na haytek hindi makabili. PNoy, hindi kaya lahat ng mga nakaupo sa Senado ay korap din? Hindi lang mahuli-huli! Hmmmf! 939424

Parusang kulong at tanggal puwesto

Bakit po ba na pag mahirap ang nagkasala, kulong ang pupuntahan, pero pag may katungkulan sa gobyerno ang nagkasala, tanggal-puwesto lang ang katapat? G. Fredy Gomey ng Bulacan, Bulacan. 939227

Isang inhinyero ng Meralco

Gud am po, sir. Gusto ko po sanang magpatulong sa inyo na ilapit sa pamunuan ng Meralco ang problema ng mga nag-aapplay ng sariling linya. Last year pa kumpleto ang needed na papers sa Meralco Angono. Itong si engineer Jun Bismonte ay galit kapag tinatanong kung kailan maikakabit at ang rason niya ay gagawa pa raw ng kabitan ng meter. Last year pa iyon. Heto po ang tanong:  ilang month ba dapat ginagawa yung kabitan ng meter at bakit iba-iba ang rason na ibinibigay ng engineer na ito? Thanks po ng marami. Jun ng Teresa,  Rizal .  923551

MABABANG MAGPASAHOD

Sir, ilan lang po kami rito sa Aklan na nagtatrabaho sa mga Chinese. 7:30 am to 7:30 pm ang trabaho namin. P100 hanggang P160 ang sahod ng bawat salesclerk sa isang araw. Hindi rin tama ang pag-iisyu nila ng resibo. Blank ang  kabilang kopya kaya lusot sa tamang price. Lahat ganito ang style ng mga Intsik na may business dito. Ano ang ginagawa ng labor department dito? Ang Bureau of Internal Revenue ay nagbubulag-bulagan. Kasi nababayaran sila pati ang mga pulis. Sana po maaksyunan ito hindi lang dito sa Aklan kundi pati sa lahat, tulad ng Divisoria Mall sa Tutuban, Manila. 908646

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply