Motorista patay matapos mabundol ng bus sa Edsa

NASAWI ang isang lalaki makaraang mabundol ito ng isang humaharurot na bus habang binagbagtas ng biktima sakay sa kanyang motorsiklo ang Edsa sa may Muñoz Market sa Quezon City Lunes ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Stephen Bacani, 27, na naka-maong shorts at striped polo shirt.

Samantala, kusang-loob namang sumuko ang driver ng bus ng Baclaran Metro Lane sa isang istasyon ng pulis sa Bulacan na kinilalang si Anthony Roadiel, 28, ng Balasing St., Barangay Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa imbistigasyon ni Quezon City Police District (QCPD) Traffic Police-Sector 6 investigator Christian Mendieta, naganap ang insidente dakong 6:40 ng gabi.

Base pa sa ulat ng pulisya, habang papunta ang biktima sa Balintawak Market ay nabundol ang likuran ng sinasakyang motorsiklo ng rumaragasang bus mula sa likod.

Tumilapon si Bacani at nagpagulong-gulong.

Agad namang tumakas ang driver ng nasabing bus matapos na mabunggo ang biktima. Hindi nagtagal ay napag-alamang sumuko si Radiel sa mga awtoridad sa Bulacan. R.A. Marquez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply