Iskedyul ng LRT 1 at 2 sa Holy Week inilabas

NAGPALABAS na ang pamunuan ng Light Rail Transit Administration (LRTA) ng iskedyul ng LRT Line 1 at 2  para sa Semana Santa.

Anito, ang huling biyahe ng mula Baclaran Terminal hanggang Roosevelt Station sa Line 1 at mula Santolan hanggang Recto Station sa Line 2 ay sa Abril 20, Miyerkules, hanggang alas-otso ng gabi.

Walang biyahe ang LRT 1 at 2 sa Huwebes, Biyernes, Sabado at Linggo. Ayon kay Hernando Cabrera, spokesman ng LRTA, ang mga araw na ito ang itinalaga para sa maintenance ng LRT Line 1 system.

Babalik ang normal na operasyon ng LRT 1 at 2 sa Abril 25 simula ng alas-singko ng umaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply