Iskedyul ng LRT 1, LRT 2 ngayong Semana Santa

NAGPALABAS na ang pamunuan ng Light Rail Transit Administration (LRTA) ng magiging schedule ng LRT Line 1 at 2  ngayong  Semana Santa.

Sa nasabing schedule, ang huling biyahe ng Baclaran Terminal to Roosevelt Station sa Line 1 at Santolan to Recto Station sa Line 2 ay sa Abril 20, Miyerkules Santo, na hanggang alas-otso ng gabi lamang.

Para naman sa Abril 21 (Huwebes Santo), Abril 22 (Biyernes Santo), Abril 23 (Sabado de Gloria) at Abril 24 (Linggo ng Pagkabuhay) ay hindi muna bibiyahe ang mga tren.

Ayon kay Hernando Cabrera, spokesman ng LRTA, ang mga araw na ito ay itinalaga para sa maintenance ng LRT Line 1 system.

Babalik ang normal na operasyon ng LRT 1 at 2 sa Abril 25 na magsisimula ng 5:00 ng madaling araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply