Isnaberong driver tututukan ng LTO

BILANG paghahanda sa panahon ng Semana Santa, naghahanap ang Land Transportation Office (LTO) ng makakapartner na makakatulong  sa pagsubaybay sa mga  “isnaberong” drivers.

Ayon kay (LTO) Law Enforcement Division Director Edgar Cabase Jr., tiyak na dadagsa na naman ang mga pasaherong magrereklmao laban sa mga taxi driver na namimili ng pasahero, nangongontrata at over charging lalo na ngayong Semana Santa.

Giit ni Cabase, kailangan nila ng “force multiplier.”

Sinabi ni  Cabase  na nakikipag ugnayan  na sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) PNP-Highway Patrol Group, Department of Transportation and Communications at sa lahat ng mga local traffic enforcers ukol dito.

Kasabay nito, sisimulan na rin ng (LTO) Northern Motor Vehicle Inspection Center (NMVIC) sa papasok na linggo ang pag-iinspeksyon sa mga bus terminals.

Titiyakin ng ahensiya na sumusunod sa kaukulang batas na ipinatutupad ng LTO-LTFRB at DoTC ang lahat ng mga bus terminals owners at operators.

Ayon kay Cabase, pitong experts transport engineers na mula sa manufacturers ng mga kilalang bus company sa bansa ang nag-volunteer para sa pag-iinspeksyon sa mga bus.

Sinabi pa ni Cabase, magpapakalat ang (LTO-LTFRB-PNP-HPG) nag mga inspector sa mga bus terminal sa South at North Expressway, Regions 3 at 4 at sa iba pang bahagi ng bansa para sa kaligtasan ng mga pasahero gayundin ng mga driver ng mga kumpanya ng bus.

Sa hiwalay na interview tumugon ang Public Commuters and Private Motorists Alliance (PCPMA) sa panawagan ng (LTO) na maging partner sa pagbibigay ng impormasyon sa mga isnabero o abusadong driver.

Sinabi naman ni Ysabel Nabong, spokesperson ng (PCPMA), gagawa sila ng formal communications sa (LTO) kaugnay sa panawagan nitong maging partner sa pagbibigay ng information sa mga isnaberong driver. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply