Isyu kay Comm. Tagle at Lucena City dapat linawin

ANO ba talaga ang nababalot na kontrobersya riyan sa Commission on Elections?

Eh ang ibig ko bang  sabihin ay mayroon nga bang nangyayaring “sabwatan” sa pagitan nina Comm. Lucenito Tagle at Agrilculture Secretary Pros Alcala upang “lutuin” umano ang resulta ng election protest sa Lucena City mayoralty race na pabor sa pamangkin nitong si Vice-Mayor Roderick Alcala?

Ooops, hindi po ako ang nagsasabi niyan kundi yung mga taga-suporta nitong si Philip Castillo, ang natalong kandidato noong nakaraang halalan (nagtatanong lang ako). Tambak na tinalo pala siya ni Mayor Barbara Ruby Talaga sa nakaraang May 10, 2010 elections. Halos dalawang buwan na ngayon kahit isang letra ng paliwanag ay walang bumuka sa bibig nitong si Tagle, sa kabila naman ng pormal na utos sa kanya ni Chairman Sixto Brillantes.

Alam ba ninyo na “nakikisawsaw” lang pala sa protesta ni Castillo si Bise Alcala pero pag nagkataon tila siya pa ang magiging mayor ng  Lucena City kung ito raw si Comm. Tagle ang masusunod.

Hindi kataka-takang umangal nga ang kampo ni Castillo! Kung sa “boxing” siya ang kabuntalan ni Mayor Ruby sa loob ng ring pero ang idedeklarang panalo ng “referee” (Comelec) ay yung “miron” sa gilid! Aray ko!

Ang pinakamasaklap na nangyayari, marami ang nabubuwisit na empleyado sa Comelec  sa mga gawain ng kanilang opisyal dahil sa gawaing baluktot at ‘di patungo sa “tuwid na landas ni PNoy.

Dahil si Comm. Tagle pa rin ang sumusulat ng En Banc decision? Talo kasi sa 2nd Div., itong sina Castillo at Alcala kaya pumunta na ang kaso sa En Banc. Buong komisyon ang magpi-final sa desisyon sa kaso. Kaya nakatatakot ang sinasabi ni Comm. Tagle na sanggang-dikit niya ang spokesman na si Jimenez. Ano ba ‘yan? Hehe. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply