IT expert bagong Comelec commissioner

HINIRANG ni Pangulong Benigno Aquino III si Augusto “Gus” Lagman, isang IT expert, bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) para mapunan ang puwestong binakante ng nagretirong si dating commissioner Nicodemo Ferrer.

Ito ang inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa press briefing sa Palasyo.

Maliban sa pagiging IT expert, kilala rin ang bagong Comelec commissioner na convenor ng grupong Movement for Good Governance at dating pangulo ng Information Technology Foundation of the Philippines (ITFP).

“With the new nature of elections the Philippines is conducting, the President has wanted to position an IT expert in the commission,” pahayag ni Valte.

Si Lagman ay kasapi rin ng National Movement for Free Elections (Namfrel) na unang tumutol sa pagpapatupad ng automation elections noong 2010.

Aniya ay magdudulot lamang ito ng failure of elections at matapos na manalo sa naturang halalan si Pangulong Aquino ay nagpahayag ang grupo na credible ang naganap na pambansang halalan.

Kabilang din ang bagong talagang Comelec commissioner na convenor ng Black and White Movement, na nagpapasimuno ng mga pagkilos para sa pagbibitiw, impeachment at pagpapatalsik sa kapangyarihan kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Lagman ay mayroong termino hanggang Pebrero 2, 2018.

Nauna rito, itinalaga rin ng Chief Executive si Christian Robert Lim bilang commissioner din ng Comelec na kapalit naman nang nagretiro rina si Gregorio Larrazabal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply