Italy sasali sa giyera sa Libya

INAPRUBAHAN na ni Italian Prime Minister Silvio Berlusconi ang pagpapagamit sa kanilang air force para gamitin sa pagbomba sa mga tropa ni Col. Moammar Gadhafi sa Libya.

Matatandaang sinabi ng Italy na hindi sila makikialam sa ginagawang pagsalakay ng NATO forces sa Libya subalit nagbago ang isip nito matapos makita na marami ng sibilyan ang napapatay ng mga tauhan ni Gadhafi.

Hati pa rin naman ang mga bansang miyembro ng NATO sa pagpapatupad ng UN resolution na protektahan ang mga inosenteng sibilyan sa kahit anong paraan.

Sinabi ng Russia na masamang ehemplo ang ginagawa ng NATO at western force na pagtulong sa mga rebelde dahil parang hinihikayat umano nito ang rebelde na mag-alsa sa kani-kanilang gobyerno at tutulungan sila ng ibang mga bansa para matalo ang kani-kanilang pamahalaan.

This creates a very dangerous mood. Unfortunately, it is probably contagious and it’s popping up amongst protesters in other countries of this region with the hopes that they just need to aggravate the situation and then the international community will come to help, will take their side,” ayon kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply