Iwas-pusoy sa bitay

KAHIT nagkakandaloko-loko ang buhay ng 7 milyong lahi ni Juan dahil sa droga, pinananatili ng maraming onorabol ang pagkabitay ng parusang bitay at may ilang dahilan ang mga ito.

Una, pinupulitika ito. Wataymen, yung anti-bitay ay gustong magmukhang pro layp para may buhay na boboto sa kanila sa halalan at hindi ang mga patay.

Higit dito, gusto nilang ikampanya sila ng mga relihiyong may malalaking supot ng mga botante. Ikalawa, gusto nilang hindi mabitay sa pagiging notoryus na kawatan. Kung matatandaan ninyo, bitay ang parusa sa may nakaw na P50M pataas. Eh talaga namang kung magnakaw sila ay lagpas sa P50M.

Sa mga kawatang senador lang, kung meron man, P120M ang kanilang nakaw na yaman kung nangongomisyon sila ng 20% sa P600M nilang pork barrel sa tatlong taon nilang panunungkulan at P220M kung nakapuwesto sila sa loob ng anim na taon. Mas malaki pa rito ang kanilang komisyon kung mare-reelect sila ng dalawambeses o tatlong beses na  may tatlo o anim na taong panunungkulan.

Gets ninyo, Suki?

oOo

Ngayon nga ay may binitay na mga lahi ni Juan sa Tsina kamakailan lang kaya naman naungkat
muli ang usaping parusang bitay.

Tanong: talaga bang walang balak na ibalik ng mga onorabol ang parusang bitay upang mabitay na rin ang mga sindikato ng droga na dahilan ng pagkabitay ng tatlong Pinoy sa Tsina?

…At gumagawa sa 7M lahi ni Juan na maging adik at puser ng droga na dahilan ng nasa 70% ng mga krimen sa bansa, kabilang na ang mga rape na may pagpatay, pagnanakaw na may pagpatay at iba pa?

Kung ayaw nila ang parusang bitay, bakit meron silang mga praybeyt army, kabilang na ang ilang pulis at militar, na handang pumatay para sa kanila?

O baka naman takot silang madamay at mabitay sa pagnanakaw? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply