Iza Calzado ‘salo queen’ ng mga napapanis na proyekto

OKEY lang naman kay Iza Calzado kung tagasalo siya ng mga napagsawaan na project ng mga nawala at mamahingang talent ng GMA Kapuso na may sariling TV show sa nasabing network.

Ilang beses na rin naging panakip -butas at tagasalo ng mga project itong si Iza kapag hindi na available ang bida sa isang project sa bakuran ng Kapuso.

Kahit nga raw tagasalo lang siya at second choice ay okey at aprub at walang problema kay Iza. Ang importante kay Iza ay itong mayroon siyang raket at work at hindi nababakante.

Medyo hindi nga ganun kadami ang raket ni Iza sa GMA kaya naman ng ialok sa kanya ang babakantehin ni Regine Velasquez sa kanilang serye at napanis na proyekto na  “I Heart You Pare” siya ang napisil at choice ni Dingdong Dantes para maging kapalit ng Asia’s Song Bird na balitang nabuntis na daw for syur. Hmmmp!

SEXBOMB LOSYANG NA  AT NAGSIBUNTISAN

KUNSABAGAY narating naman ng Sex Bomb ni Joy Cancio ang mainstream ng showbiz world at may napatunayan naman ang grupo.

Kakaloka, as in, nakakalerky dahil halos sa members ng Sex Bomb Girls ay nagbuntisan na. May ilan na buntis at may ilan na nanganak na kaya mahihirapan naman si Joy na itayo muli at buhayin ang sikat dati na Sex Bomb.

Natutuwa naman ang kampo ni Joy na kahit medyo hindi na buo ang grupo ay may gusto pa rin daw na i- book ang Sex Bomb.

May Ganun?

Ano ”yun, dyok?

Kaso mga original naman ang hinahanap kaso malabo na naman na mabuo ang mga ito dahil nga may ilan dito ay nagbuntisan na at ang ilan ay nanganak na kaya imposible na daw na ma -ibook o makuha pa ang orig na Sex Bomb. Jovi LLoza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply