Japan muling nilindol ng magnitude 7.1

KASABAY ika-isang buwan ng magnitude 8.9 na lindol sa Japan na sinundan pa ng hinganteng tsunami na tumama doon noong Marso 11 ay muli na namang niyanig ng magnitude 7.1 ang nasabing bansa, Lunes ng hapon, Abril 11.

Ang nasabing mga kalamidad noong nakaraang buwan ang dahilan nang pagkakasawi ng maraming buhay at pagkawala ng nasa 15,000 pang iba.

Nasira at nagsilbing ghost town ang ilang bayan at lugar sa ilang parte ng northern Japan.

Nagdulot ng panganib sa kalusugan ang radiation leak nang masira ang Fukushima Daiichi nuclear power plant dahil sa nasabing kalamidad.

Dahil sa nangyaring aftershock kanina, itinaas ang tsunami alert sa mga baybayin ng apekatdong lugar upang magbigay babala para sa inaasahang isang metrong taas ng tsunami.

Gayunpaman, wala namang naitalang tsunami.

Ang naturang aftershock ay nag-create ng panic sa mga mamamayan lalo na doon sa mga nakaramdam ng nasabing lindol. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply