Japan niyanig na naman ng malalakas na aftershock

TILA hindi natatapos ang mga pagyanig sa Japan matapos na lindulin ito ng magnitude 8.9 noong Marso 11.

Naitala na naman ang malalakas na aftershock bandang ala-sais ng umaga, Abril 14, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Nasa layong 190 kilometro (118 milya) sa silangan ng Morioka o 190 kilometro (118 milya) silangan timog silangan ng Hachinohe, Honshu, Japan ang epicenter ng lindol at may lalaim na 11.2 kilometro (7.0 milya).

Ang nasabing malakas na aftershock ay nasundan pa ng ilang mahinang pagyanig.

Inaalam pa kung may pinsalang idinulot ang nasabing aftershock.

Kaugnay pa rin nito, naitala din ang ilang malalakas na aftershock na ikinamatay rin ng ilang mamamayan doon nitong nakalipas na mga araw. Alex Luiz

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply