Japan nuke crisis aabutin pa ng 3 buwan

NAGPAHAYAG ang isang nuclear expert na aabot pa ng dalawa hanggang tatlong buwan ang itatagal para tuluyang maisaayos ang mga nuclear reactors ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.

Ayon kay Takashi Sawada, deputy director ng Atomic Energy Society of Japan, malaki ang naging pinsala ng tatlong reactors ng naturang plant at kinakailangan ang masusi at maingat ng pagsasaayos ng mga ito na puwedeng abutin hanggang tatlong buwan.

Ang grupo ni Sawada ay kinabibilangan ng mga nuclear engineers, scientists at mga professors.

Subalit ayon sa Tokyo Electric Power Company hindi sila makapagbibigay ng timeline kung kailan nila maaayos ang planta.

Inaasahan naman ni Prime Minister Naoto Kan na maglatag ng plano ang TEPCO sa katapusan ng buwan para sa ikakaayos ng naturang planta. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply