Jeep vs kotse: 21 sugatan sa Zamboanga

TINATAYANG 21 katao ang nasugatan nang magkabanggaan ang isang pampasaherong jeep at kotse sa Zamboanga kahapon, Abril 21.

Ayon kay police desk officer Oscar Fajardo, isinugod ang mga biktima sa tatlong hospital.

Batay sa inisyal na report ni Fajardo, nag-overtake ang jeep sa isa pang behikulo nang makabanggaan ang isang kotse bandang 10:30 a.m. sa Upper Calarian.

Nabatid pa sa report, kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng driver ng jeep na walang lisensya at expired na ang registration papers ng naturang sasakyan.

Nabatid na kung mapatutunayang walang papeles ang naturang jeep, maaaring maharap ang driver ng habangbuhay na pagka-ban sa pagmamaneho nang anumang behikulo. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply