Jewelry store sa Hyatt Hotel nilooban

UMAABOT sa milyung-milyong pisong halaga ng mamahaling relos at alahas ang natangay sa isang jewelry store sa Hyatt Hotel sa Ermita, Maynila Martes ng hapon, Abril 12.

Personal na dumulog sa Manila Police District (MPD) Theft and Robbery Section si Moses Go,34, ng 207 Santolan Rd., Quezon City, bilang representante ng Relojes Especialiis Gift Shop na matatagpuan sa ground floor ng Hyatt Hotel sa kanto ng Mabini at Pedro  Gil Sts. upang iulat ang naganap na nakawan

Sa reklamo ni Go, isang di kilalang lalaki na nasa edad na 20 anyos at may taas na 5’5” ang pumasok sa nasabing tindahan dakong ala-singko ng hapon at lumimas sa mga panindang Rolex watch, Jaguar at assorted na alahas.

Matapos limasin ng salarin ang laman ng tindahan ay agad itong tumakas.

Ayon sa pulisya, hindi pa tiyak ang kabuuang halaga ng nakulimbat dahil isinasagawa pa ang inventory ng nasabing tindahan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang madakip ang salarin. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply