Job fair sa Labor Day

PINAALALAHANAN ng Department of Labor and Employment (Dole) ang mga taong magtutungo sa gagawing job fair na tiyaking kumpleto ang mga dala-dalang dokumento.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, kabilang sa mga dokumentong dapat na dalhin ng mga jobseekers ay biodata, clearance at birth certificates upang matiyak na mas magiging madali ang proseso sa kanilang paghahanap ng trabaho sa job fair.

Ang naturang nationwide job fair ay inihanda ng Dole kasabay nang pagdiriwang ng Labor Day.

Isang one-stop shop ang inilaan ng Dole para sa mga jobseekers upang madali silang makakuha ng mga dokumento na gagamitin sa pag-a-aplay ng trabaho.

Nabatid na makakatuwang rito ng Dole ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng National Bureau of Investigation (NBI), Social Security System (SSS), PhilHealth at Pag-IBIG.

 

Tinatayang aabot sa 100,000 trabaho ang naghihintay sa mga jobseekers habang libu-libo rin naman ang mga employer at licensed recruitment agencies na makakatuwang ng DOLE sa nasabing programa.

Ang main Labor Day Job and Livelihood Fair ay gagawin sa Lagoon Area ng Rizal Park sa Maynila. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply