Jobless na kabataan bibigyan ng trabaho ng DPWH

IPAPRAYORIDAD ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga out-of-school youth at mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs) na apektado sa kaguluhan sa Libya na mabigyan ng trabaho sa proyekto ng ahensya, partikular ng 182 District Engineering Offices sa buong bansa.

Ito ay bunsod na rin sa utos ni Secretary Rogelio Singson sa lahat ng engineering districts na mag-empleyo ng mga manggagawa sa job-order basis para sa pagsasakatuparan ng CY 2011 roadside maintenance program sa mga national highway na magsisimula na ngayong buwan.

Ang mga kukuning trabahador ay bilang karagdagang pwersa sa mga regular na nagmamantine ng mga gawain sa kalsada tulad ng paglilinis sa mga kanal, longtitudinal pipes at cross drains. Pagpuputol ng mga puno o tanim sa gilid ng kalsada, at pagsama sa mga gawain sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Singson, maliban sa mas pinaiging pagmamantine sa mga kalsada ay makatutulong pa ang programa sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino at susuporta sa Poverty Alleviation Program ng Pnoy administration. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply