Jodi Sta. Maria ikinabuburyong sobra ni Jolo Revilla

PINABULAANAN ni Jolo Revilla ang isyu na may namumuong romansa sa kanila ni Jodi Sta. Maria. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mamatay-matay ang balita tungkol sa kanilang dalawa. Nahihiya nga raw ang binata sa magaling na actress dahil never na naging sila o nagpalipad hangin man lang ang young action star ni Sen. Bong Revilla.

“Yun nga po ang nakakairita, pilit kaming iniintriga ni Jodi na mayroon kaming lihim na relasyoni. Naging close friend lang po kami noong ginagawa namin ang ‘Noah.” Lumalabas kami kasama ang aming mga kaibigan, ‘yun lang po ‘yun. Nakakahiya sa pamilya ni Jodi at sa asawa niyang si Pampi Lacson. Ayaw kong isipin nila na may kinalaman ako sa kung anumang problemang pinagdadaanan nilang  magasawa.

“Nakikiusap po ako, huwag nang bigyan ng kulay ang aming pagkakaibigan. Alam naman natin may asawang tao si Jodi kahit sinasabing hiwalay na sila. Kung magkaka-girlfriend uli po ako ‘yung single. Nakakairita na po kasi, tuwing may lalapit sa akin at kakausap ako, ang palaging tanong ay tungkol kay Jodi. Patahimikin na po sana kami at ito na ang huli na magsasalita ako sa issue sa amin ni Jodi,” iritableng sabi ni Jolo.

Tiniyak naman nina Sen. Bong at Congresswoman Lani Mercado na loveless ang anak nila ngayon at walang katotohanan ang intrigang Jolo at Jodi. Naka-focus ngayon ang binatang ama sa mga project niya sa Bacoor, Cavite. “Walang time mangligaw ngayon si Jolo dahil panay ang trabaho. Kapag hindi siya busy sa kanyang TV series sa ABS-CBN, he is at barangay hall of Bacoor na siya ang chairman. Kahit libre rin lang siya, he travels out of town to visit different barangays in the country, being the current vice-president of the barangay League of the Philippines, “magmamalaking tsika ni Lani.

May communication pa kaya sila ng ex-girlfriend niyang si Lovi Poe ? “Wala na, nagkita kami sa Boracay, nagbatian lang, ‘yun. Maayos naman ang paghihiwalay namin, we’re still friends kahit wala na kaming communication. Mabuti na rin ‘yun para pareho kaming makapag-move-on. May sarili na siyang buhay ganoon din naman ako,” say ni Jolo.

Kailan kaya muling iibig si Jolo ? “Happy naman ako kahit single, nand’yan naman si Gab na nagpapasaya sa akin. Siya ‘yung inspirasyon ko kaya ibayong pagsisikap ngayon ang ginagawa ko para sa aming dalawa. Gusto kong ipagmalaki ako ng aking anak pagdating ng panahon. Kung may darating, di sige. Kung wala naman, okey lang pero this time mas maganda siguro hinay-hinay lang. Enjoy muna ninyo ang relationship na mayroon kaya para mas lalo ninyo nakikilala ang isa’t isa,” simpleng sagot ng young action star.

oOo

‘Dancing Split Queen” sa Zirkoh

BONGGACIOUS to the max ngayon ang singing career ni Nyoy Volante. Kararating lang niya for one week trip to Singapore, Hard Rock Café. All support ang ating mga kababayang overseas Filipino worker (OFW) sa show ng Acoustic King. Full pack sa dami ng tao, pati CD niya, sold-out sa Singapore kaya ganoon na lang ang pasasalamat ni Nyoy sa napaka-warm na pagtanggap sa kanya ng fans doon.

Bukas, Sabado, April 30,  10 p.pm. may show si Nyoy sa Zirkoh, Tomas Morato entitled “2Much Love…N’yoy” with Jovit Baldivino, Laarni Lozada and K-La with special guests Marc Cubales, MJ Ringor, John Limon, Zyruz Imperial and Ms. Cynthia Sol, “The Amazing Dancing Diva” aka “Dancing Split Queen ng Asia” who at age 65 ay nakakapag-split pa ever! Kaya weekly winner siya ng “Talentadong Pinoy” sa TV5.

oOo

‘Si Amy Perez nagre-rate pero di pinapasok ng commercials’— Ali Sotto

HANGGANG ngayon malakas pa rin ang dating ni Ali Sotto sa viewing public sa bago niyang show na “Starbox” with Papa Jack and MJ & MM of XLR8 ng Channel 7. Minahal natin siya bilang radio commentator at na-miss bilang TV host. Sa kanyang bagong talk show mapapanood natin ang kanyang signature brand of hosting.

Ang kredibilidad ni Ali ay hindi na pagdududahan, seryoso niyang sinusuri ang mga isyu at laging exciting ang balitaktakan. Ang chikahan with her, di lang sensible, may sense of humor pa kaya naman pumapalo na sa rating ang all-in-one daily kachikahan. Bakit nga ba lulubog-lilitaw ang showbiz career ni Ali Sotto ?

“Dalawa ‘yun, parang “Starbox” ‘yun, it’s either, absence makes the heart go fonder or  absence makes the heart forget? In my case, I’m so blessed. Salamat sa Panginoon dahil tuwing aalis ako, 2000, 2003 nagpunta ako ng Mexico then I came back, nag-double B pa rin ako dito (radio) sa channel 7. Then may offer uli ‘yung asawa ko to go to Madrid, 3 years. Tuwing aalis ako, kinakabahan ako bacause I always take a risk na pagbalik ko, wala na akong babalikang career. Modesty aside, masipag naman po ako. Nag-aaral ako, kinikilala ko ‘yung co-emcee ko at marami akong kaibigan sa press.”

Sa pagbabalik ni Ali, isang talk show ba ang pinili niya kaysa maging  news diva ? “Nang bumalik ako, I was open to anything. Sabi ko nga, hindi ako sigurado na may babalikan akong career. Kapag 30 years ka na sa negosyong ito, may kaibigan ka sa Kapuso. May kaibigan ka sa Kapamilya at may kaibigan ka rin sa Kapatid network. So, lahat sila kausap ko, without any pressure. Sa akin eto, nanalangin ako nang taimtim. Sabi ko, Lord,  kung saan mo ako gustong ilagay or I will test do your work, ‘yun po sana ang matuloy. At ito po ang natuloy at nabuo na show.”

Anong mga show ang ini-offer sa ‘yo ng ibang network ? “When I met with Kapuso, ang sabi sa akin, Ali, kinukuha ka namin kung ano ang gusto mong gawin.’Yan ang sinabi sa akin during the meeting. Nakausap ko din sina Regie Magno at  si Wilma Calvante. Sa Channel 2 naman, I was meeting already with radio executive at mayroon dalawang concept that was presented to me na hindi ko naman nagustuhan. Nagdasal ako kung saan ako gustong ilagay ng Panginoon.”

Aware ba si Ali ipangtatapat ang Starbox sa “Face to Face” ni Amy Perez ? “Hindi ko alam ang programming nila. Basta ako, ito ‘yung timeslot, I did not consider the competition. Honest to God, hindi ko pa napapanood ang “Face to Face.” It’s a type of show na panonoorin nga ng tao, there a certain market share for that na panonoorin pero hindi siya papasukin ng advertisers. And I would rather be part of the show na alam mo na ang advertiser industry will support you.”

May pressure ba kay Ali na puros baguhan ang kasama niya sa show ? “Wala. Magaling si Papa Jack, malaki ang following n’yan sa radio. Gusto ko siya kasi baliw at prangka. Malakas ang dating niya sa mga kafatid sa pananampalataya. ‘Yung dalawang bagets mayroon naman silang kilig factor. Kahit na you know the competition your doing, ang pressure lang sa ‘yo is to do your best, yun lang. Be yourself, first and foremost.”

Kahit nakapag-asawa na uli si Ali, patuloy pa rin niyang ginagamit ang screen name na  Ali Sotto. “Kasi when I started, Aloha ako, di ba? Tapos, nagpalit ako, when I went back to showbiz in 1987, ginawang Ali Sotto ni Vic del Rosario, right? So, kung magpapalit ako for the third time parang source of confussion, di ba? With blessing naman ng Sotto clan, wala naman pinakitang masama sa akin. Up to now, pag-mayroon silang wedding or important milestone in the Sotto clan kasali pa rin naman ako, di ba?” Eddie Littlefield

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply