John Gabriel Perlas at Shamcey Supsup

EDUKASYON!

Saan ba dinadala ng edukasyon ang repablik ni Juan?

Nagtatanong tayo sapagkat hindi natin alam sa kasalukuyan kung nasaan tayo at kung saan tayo patutungo.

Kahit na sabihin pang puro edukado ang mga bosing natin ngayon mula sa Malakanyang hanggang sa Korte Suprema at Kongreso.

Isang sukatan, Suki, ng ating kalagayan ang laman ng ating mga sikmura. Bakit dumarami ang nagsasabing sila’y nagugutom?

Anong nangyari at sa dami ng mga edukadong onorabol na rumerenda sa gobyerno, eh, milyon-milyon ang nagsasabing dumarami silang kumakalam ang sikmura?

oOo

Unang nakakuha ng atensyon natin, Suki, ang pagiging summa cum laude sa doctoral degree sa batas nitong nagdaang gradwesyon ni Chief Justice Renato Corona sa University of Santo Tomas.

Paano kaya itutuwid ni Mang Atong ang pagsirko-sirko ng Korte Suprema sa kaso ng 16 munisipyo na gustong maging siyudad?

Konektado sa sikmura, Suki, ang magiging pinal na desisyon diyan.

Kapag manatiling munisipyo ang mga bayan na yan, kokonte ang internal revenue allotment nila at mananatiling purdoy at gutom ang constituents ng mga yan.

Kapag ginawa naman silang lungsod, mababawasan naman ang badyet sa pagkain ng kasalukuyang mga lungsod dahil makikihati ang 16 “lungsod” sa IRA ng mga ito. Sa IRA nakasandal, Suki, ang buhay at sikmura ng 16 munisipyo.

oOo

Heto ngayon sina John Gabriel Perlas, pinaka-summa cum laude ng University of the Philippines-Diliman, at Ms. Philippines Universe 2011 Shamcey Supsup, magna cum laude at topnotcher ng mga arkitekto nitong 2010, ng UP-Diliman din.

Ano ang maiaalay nila kay Juan sa paglala ng gutom nito, huh? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply