Jose Manalo at Wally Bayola darling of the press & d depressed

AYAW paawat ng “bff” ni Aiai delas Alas na si Lito Alejandria sa pagsabing tayming na tayming raw ang coming show nila Wally Bayola at Jose Manalo sa Zirkoh, Morato, Q.C. sa darating na April 16 kasama ang kwelang hurado sa “Eat Bulaga” na si  Ryan Bang sa coming film naman nilang dalawa na ginawa  para sa M-Zet at Star Cinema.

Ito yung “Pak! Pak! My Dr. Kwak!” na showing naman sa April 23 kasama ang bossing ng dalawa na si Vic Sotto in tandem with Bea Alonzo kasama sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Pokwang, Anjo Yllana,  Bella Flores, Joey de Leon, etc.

Ang show ng tatlong komedyante ng “Eat Bulaga” ay pinamagatang “It’s Sampol Sampol Time.” Sabi pa ni Ryan Bang sa kanyang Twitter: “ Excited ako sobra na makakasama ko ang mga tinitingala kong mga idols na  sina Wally at Jose lalo na sila ay full-fledged movie actors na sobra.”

Makikigulo rin daw ang Japanese comedian na si Yachang.

For tickets tumawag lamang sa 376-7287 o mag-text sa  0917-3333382 / 0999-4302111.

Nakakatawa raw ang comment nila Wally Bayola at Jose Manalo nung first time silang humarap sa press sa stage ng Dolphy’s Theater ng ABS CBN. Pareho raw nanlaki ang mga mata nila Wally at Jose sa laki ng stage na may backdrop pang malaking telon na kinaroroonan nila.  Sabi raw ni Wally, “meron pala silang sinehan dito?” Sagot naman daw ni Jose, “coliseum yata ito, hindi ito sinehan.” Hagalpakan daw ng tawa ang mga naroroong movie press. Ganyang ang mga natural na comedian. Nakakapagpatawa sila sa ano mang oras at panahon, hahaha!

Na-notice lang namin na favorite casting sina Wally at Jose kapag may show ang mga movie reporters sa Zirkoh for the benefit of the depressed sectors of society and sometimes for the ‘ika nga benefit of the doubt lamang, joke! Hindi kaya one day maging Darling of the Press pareho ang dalawa? Malamang, and why not? Hindi lang sila komedyante pala, e expert rin sila sa pakikisama. Bernie Villaflor

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply