JP, PH mas gumaganda ang relasyon

BAGAMA’T nagdaranas ng matiding trahedya ang bansang Japan nangako pa rin itong magbibigay ng tulong para sa ikauunlad ng  Mindanao.

Sa paggunita sa Araw ng Kagitingan, sa Mt. Samat, sinabi ni Japanese Ambassador to Manila Makoto Katsura na hindi pa rin nagbabago ang kanilang ipinangakong tulong hinggil sa peace and development sa Mindanao

“The recent resumption of official peace negotiations between the government of the Philippines and the Moro Islamic Liberation Front is most welcome development,” pahayag ni Katsura.

Ayon kay Katsura dalawang Japnese development expert ang kanyang ipinadala mula sa International Monitoring Team (IMT) para sa pagde-develop at  mapaunlad ang kapaligiran sa Mindanao.

“Two weeks ago, I signed nine grant contracts for various social development projects under the Japan-Bangsamoro initiatives for
Reconstruction and Development in conflict-affected areas in Mindanao. Japan also supports the progress of the peace talks as a member of the International Contact Group,” ani Katsura

Muling tiniyak ni Katsura ang kanilang walang humpay na suporta sa Pilipinas para makamit ang ganap na kapayapaan at kaunlaran ng bansa,
at sa pamamagitan ng pagkakaisa tulad nang pakikiisa ng United States, naniniwala siyang makakamit ang layunin para sa kapayapaan sa Pilipinas, Japan at US.

Kaugnay pa rin nito, ginunita ni Katsura ang Bataan na naging sentro ng matinding laban sa pagitan ng American-Filipino forces na nakubkob ng puwersa ng sundalong Hapon noong noong April 9, 1942,umaabot sa  70,000 sundalong Amerikano at  Filipino nahuli na nabalang sa death at
pinaglakad sa mahigit na 100 kilometro mula sa lalawigan ng  Tarlac.

Ang Dambana ng Kagitingan ay itinayo noong 1966 sa itaas ng bundok ng Mt. Samat sa ala-ala ng mga sundalong nagbuwis ng buhay noong  World War II.

Makalipas ng digmaang pandaigdig, muling namuo ang kapayapaan at pagkakaisa ng dalawang bansa na nagpakita ng magandang halimbawa sa
buong mundo.

“In this context, I am deeply moved by the Filipino people’s noble spirit of reconciliation and sense of fairness. Indeed, the Filipino people have been appreciating Japan as we are today – a peace loving nation that shares the fundamental values of democracy, freedom and respect for human rights. The Filipino people have also been taking a future-oriented attitude with a view to deepening the friendly relations between the two countries,” pagtatapos ng pahayag ni Katsura.

Humingi rin ng taos-pusong paumanhin at pang-unawa si ambassador Katsura sa nagawang pamiminsala ng sundalong Hapon sa Pilipinas noong nakaraang  World War II at nagpapasalamat ang kanilang pamahalaan dahil sa pananatili ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

Sinamantala rin ni Katsura ang pagkakataon para pasalamatan ang Pilipinas sa ibinigay na simpatiya at pakikiramay sa mga biktima ng malakas na lindol at tsunami  na tumama sa nothern Japan noong Marso. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply