Juico Cycling Race sa Mayo 1 sa Carmona

Nageensayo para sa Juico Cycling Race sina Lady Lyn Malana (kaliwa) at Lady Malou Regino (kanan) ng Knight Bikers ng Carmona, Cavite. Photo by Maria Gloria Mikaela

PANGUNGUNAHAN nina Lady Lyn Malana at Lady Malou Regino ang mga paboritong kalahok sa pagharurot ng 1st Felipe S. Juico Memorial Race ngayong Linggo, Mayo 1 sa newly-opened  friendly Carmona MTB trail na idinevelop ng Knight Bikers ng Carmona, Cavite.

Tampok din ang paglahok nina Sonia Amorin, Celine Wu, Lina Manarin, Areceli Gonzales, Neri Clarete, Liberty Ledesma, Edna Curato at Edna Carandang.

Ang MTB events ay may limang categories, gaya ng Elite, Junior, Women, Beginner at Executive/Celebrity for Mountain Bike events kung saan mismong si Integrated Cycling Federation of the Philippines (ICFP) president Dr. Philip Ella “Popoy” Juico ang magsisilbing guest of honor at speaker sa formal opening.

Makasasama ni Juico sa inaugural race sina Governor Jonvic Remulla, Mayor Dahlia Loyola, Rep. Atty. Roy Loyola at Asia Brewery-Overall Sales and Marketing manager, Cavite Jojo Hieras, para sa colorful opening ceremony.

Ang pagpapatala ay sinimulan na sa Knight Bikes Headquarters na matatagpuan sa no. 545 JM Loyola St., Carmona, Cavite. Para sa mga detalye maaaring tumawag o magtext sa mobile nos. 0905-329-4385 at 0926-633-3471.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply