Kaalyado ni Aquino dapat ding imbestigahan sa tax evasion

HINAMON ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang administrasyong Aquino na hindi lamang ang mga kaalyado ng administrasyong Arroyo ang kasuhan ng tax evasion.

Ito ang naging reaksyon ni Sen. Zubiri makaraang ihayag ang pagsasampa ng kasong tax evasion laban kay Galing Paryty-list Congressman Mickey Arroyo at Local Water Utilities Administration (LWUA) Administrator Prospero “Butch” Pitchay.

Ayon kay Zubiri, marami ring mga dating kaalyado ng dating administrasyon ang lumipat ngayon sa kasalukuyang pamahalaan ang dapat pagtuunan din ng pansin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung maaari ring makasuhan sa kabiguan na makapag-file ng kanilang ITR at SALN.

“Sana pati iyong mga kaalyado rin nila, marami ring dating kaalyado ng dating administration ay lumipat na rin sa kanila at nag-oath taking na, dapat rin po tingnan din sila kung may kasalanan” ani Zubiri.

Ang pahayag nito ni Zubiri ay upang maiwasan na sumagi sa isip ng publiko na isang political harassment lamang ito ng kasalukuyang admninistrasyon. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply