Kababaihan nanawagang ipasa na ang RH Bill

NANAWAGAN ang mga kababaihan sa Kamara de Representantes nitong Miyerkules na ipasa na ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill para sa kapakanan ng lahat ng mga babae sa Pilipinas.

Ayon kay Gabriela Rep. Luz Ilagan, mali ang mga akusasyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga sumusuporta sa RH Bill ay mga “terorista.”

Kung tutuusin umano ay ilang daang taon na ngayong natatakot ang mga kababaihan sa panganganak at pagbubuntis, dahil karamihan sa kanila ay hindi kayang magpa-pre-natal checkup o makahingi ng tulong sa mga health professional.

Ani Ilagan, takot at hindi saya ang dulot sa mga ito ng balitang sila’y buntis dahil wala silang pambayad sa doktor o midwife man lamang sa kanilang panganganak.

Paliwanag pa ng mambabatas, maraming kababaihan ang makikinabang kung magiging state policy ang reproductive healthcare.

Mababawasan din umano ang pagkamatay ng mga ina at mga sanggol sa proseso ng panganganak.

Ngayon umanong alam ng buong mundong naghihirap ang Pilipinas, kinakailangang mapangalagaan ang kalusugan ng mga Filipino, lalo na ang mga ina.

Kung tutuusin umano, dapat ay suportahan ito hindi lamang ng gobyerno, kundi maging ng simbahang Katoliko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply