Kaibigan nangdekwat ng mga alahas, pera

NAWALAN ng saysay ang pagkakaibigan ng isang 27-anyos na babae at ng isang 30-anyos na lalaki nang  tangayin ng huli ang malaking halaga ng cash at iba’t ibang uri ng alahas ng una, iniulat ng pulisya nitong Biyernes, sa Tondo, Maynila,

Nakilala ang suspek na si Kelly Gancio, binata, ng 60 Miranda St., Philam Life Village, Las Piñas City.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Maria Batallones, 27, ng 2643 Jose Abad Santos Ave., Tondo, kay SPO2 Gerry Ocampo ng Manila Police District (MPD) Theft and Robbery Section, nitong nakaraang Miyerkules, dakong alas-nuwebe ng gabi, nang maganap ang nasabing insidente.

Nauna rito, inutusan pa umano ni Batallones si Gancio na bihisan ng damit ang kanyang dalawang-taong-gulang na pamangkin. Sandaling iniwan ng biktima ang kaibigan at pamangkin upang magbanyo.

Paglabas niya sa kwarto ay hindi na niya nadatnan si Gancio. Binale-wala niya ito at lumabas ito ng kuwarto upang kumain.

Muling pumasok si Batallones sa silid upang kunin ang wallet nito, ngunit hindi na niya ito nakita sa kinalalagyan nito.

Tinanong ng biktima ang kinakasamang si Fernan kung nakita niyang si Gancio, sinabi nitong nakita niyang binuksan ng suspek ang kanilang cabinet ngunit hindi nito nakitang kinuha ang perang P100,000 at iba’t ibang uri ng alahas na nagkakahalaga ng P150,000.

Tinawagan ni Batallones ang cell phone si Gancio, ngunit hindi na ito nagre-reply kaya’t  nagpasya itong magreklamo sa MPD. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply