Kailangan nga bang bumaba si Torres sa LTO?

DAPAT na nga bang bumaba sa puwesto bilang hepe ng Land Transportation Office si Virginia Torres? Kailangan pa bang hintayin ni Usec. Torres na sibakin siya ng Malacañang na magiging kahiya-hiya pa pag ito na ang maninipa sa kanya?

May ipinagmamalaki siyang “alas” na pantapat sa gobyernong Aquino kaya kapit-tuko siya kahit napababayaan na niya ang LTO. Baka naman talagang hindi kaya ni Torres na patakbuhin ang isang malaking ahensiya sa gobyerno gaya ng LTO!

Balitang-balita kasi ngayon sa LTO na anomang oras ngayon ay napipintong bawian siya ng computer service dahil na rin sa kanyang kapabayaan.

Nagbanta kasi ang Stradcom Corp., tanging Information Technology (IT) service provider ng LTO, na ihihinto nito ang serbisyo dahil hindi ito nababayaran ng may ilang buwan na. Ang pagka+kautang ng LTO sa Stradcom ay nagkakahalaga ng P700M kaunti na lang ay P1B na.

Ngayon paano pa makapagpapatuloy ng operasyon ang Stradcom kung wala na itong pondo dahil ayaw mag-bayad si Torres? Umaasa rin ang Stradcom sa ibang kompanya para sa mga pangangailangan nito.

Kung hindi mababayaran ng Stradcom  ang mga supplier at service provider nito dahil hindi makasingil sa LTO ay mapaparalisa ang operasyon.

Naghihinala tuloy ang ilang taga-LTO na baka may pansariling motibo ang hepe ng LTO sa pagtanggi nitong bayaran ang Stradcom. Ganyan ngayon sa LTO.

Tong collection sa WACCO, tuloy

HINDI
pa rin daw tumitigil sa pangongolekta ng lingguhang intelihensiya sa 1602 iligal na pasugalan itong si William C. alyas Dondon  ng WACCO.  Grabe raw kung mangolekta ng “timbre” sa mga pasugalan si William C., palibhasa kinukunsinti siya ni WACCO Supt. Emma Libunao.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply