Kainuman ni mister, hinalay si misis

NIREKLAMO ng isang 31-anyos na fruit vendor ang kanyang kapitbahay na lasenggo matapos nitong pagtankaang pagsamantalahan at hipuan habang natutulog ang una sa loob ng kaniyang bahay kahapon sa Navotas City.

Pormal na nagharap ng reklamo sa tanggapan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police si Veronica, ‘di tunay na pangalan, 31, fruit vendor, may asawa, ng B-6 Bagong Silang, Barangay San Jose ng nasabing lungsod.

Ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ay nakilalang si Christopher Dioñoso, nasa hustong edad, may asawa, kapibahay ng biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Belany Dizon, ng WCPD ng Navotas police, ganap na alas-singko ng hapon ng maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Base sa salaysay ng biktima, mahimbing siyang natutulog sa kanyang kwarto nang maramdaman niyang may lumalamas sa kanyang mga maseselang bahagi at naramdaman pa na binubuksan ang kanyang zipper ng shorts.

Dahil sa biglang pag-ingay ng dalawang anak ni Veronica, dahilan para magisising ito. Ngunit laking gulat na lamang ni Veronica nang makita sa harapan niya si Dioñoso.

Biglaang bumangon ang biktima, sinampal si Dioñoso at saka humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Dahil sa paghingi ng ginang ng saklolo, agad tinungo ng asawa nito ang kanyang bahay at dito nakasalubong ang patakas na suspek hanggang sa mag pang-abot ang mga ito, pero mabilis itong nakatakas palayo.

Nabatid na bago maganap ang insidente, kainuman ng asawa ni Veronica ang suspek sa bahay nito. Dahil sa kalasingan, nakatulog ang suspek sa bahay ng biktima, dahilan upang maisagawa ang nasabing paghahalay. Roger Panizal

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply