Kakulangan sa disaster preparedness nakita sa Senado

AMINADO si Senate at Arms Chief retired General Jose Balajadia na kulang sila sa mga signage na dapat daanan at puntahan kapag nagkaroon ng kalamidad gaya ng sunog o lindol.

Ito ang nakitang pagkukulang ni Balajadia matapos ang isinagawang fire and earthquake drill sa Senado Martes ng hapon, Abril 12.

Tiniyak naman ni Balajadia na aaksiyunan nila ang paglalagay ng mga signage sa gusali ng Senado upang lalong maging maayos ang evacuation process ng mga empleyado at iba pang mga tao sa loob ng gusali
sakaling magkaroon ng emergency situations.

Gayunman, natuwa at nagpasalamat si Balajadia sa mga empleyado dahil sa ipinakitang pakiki-isa sa fire and earthquake drill. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply