Kalakhang Maynila magiging maulap

MAKARARANAS ang Kalakhang Maynila ng bahagyang maulap na kalangitan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administartion (Pagasa).

Sa ulat ng ahensya, katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral at ang Look ng Maynila ay magkakaroon ng katamtamang pag-alon.

Maglalaro ang temperatura mula sa 22 hanggang 33 degrees Celsius (72°F hanggang 91°F).

Sa Kabisayaan at Mindanao naman ay makakaranas ng madalas na maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, samantalang ang Luzon ay magiging bahagya hanggang sa kung minsan ay maulap na may pulu-pulong mahinang pag-ulan.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa hilagang-silangan ang iiral sa Luzon at Silangang Kabisayaan at ang mga baybaying-dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.

Sa ibang dako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa hilagang-silangan hanggang silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan. Nenet Villafania

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply