Kalansay ng babaeng ginahasa natagpuan

NATAGPUAN na ang kalansay ng babaeng hinalang dumanas ng panggagahasa sa San Jose, Lamitan, sa ulat ng militar kanina.

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesman Lt. col Randolf Cabangbang, bandang 10:00 ng umaga kahapon nang makita ang skeletal remains ng isang babae ilang metro mula sa national highway sakop ng Barangay Maloong, San Jose na kanilang hinalang biktima ng panggagahasa.

Nakuha malapit sa pinangyarihan ng krimen ang ilang gamit na hinihinalang suot o pag-aari ng biktima tulad ng asul na pantalon, bra, tsinelas, Guess wrist watch, black t shirt at  fifty peso bill.

Tinatayang may tatlo hanggang apat na linggo na ang nakalilipas nang ilibing sa lugar ang biktima. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply