Kalbaryo sa Miyerkules Santo: Presyo ng LPG tataas

KINUMPIRMA ni LPG Marketers’ Association party-list Rep. Arnel Ty na tataas ng piso kada kilo ang LPG o P11.00 kada 11kg-tank ang presyo sa Miyerkules Santo.

“Ang masasabi ko diyan hanggang ang sitwasyon sa Middle East, kung saan galing ang 90 porsyento ng petrolyo sa buong daigdig ay magulo, wala tayong nakikitang magandang balita,” ayon kay Rep. Ty.

“Ito ang buwan na dapat bababa ang presyo, pero tumaas pa rin. Yan ang isang bagay na wala na talagang magagawang paraan ang gobyerno,” dagdag pa niya.

Tinatayang aabot ng $45/metric ton ang nakatakdang itaas ng presyo ng LPG sa pandaigdigan merkado.

Samantalang nagtaas nanaman ang presyo ng gasolina ng P0.60/litro at P0.25/litro sa diesel ang Shell at Chevron nito umaga ng Martes, Abril 19. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply