Ka-live-in ni misis, todas sa mister

UMABOT sa kamatayan ng isang 30-anyos na binata ang isang pinaniniwalaang love triangle.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa tabi ng isang kanal sa Sitio Calaocan, Barangay Burgos dakong ala-siyete ng umaga, Abril 24, ayon sa report ng pulisya.

Sanhi sa malalakas na tama ng bato, wasak ang mukha ng nakilalang biktima na si Fortunato Pioquinto, Jr., 30, binata, ng Sitio Sawmill, Barangay Burgos, Carranglan, Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon, nabatid na dumalo ang biktima sa isang kasal noong gabi ng Abril 23 sa bahay ng isang Rudy de Guzman sa Sitio Calaocan.

Sa nasabing okasyon, nagkainuman sina Jay Hansel Rigor, Danny Velasco Lito Gamboa, pawing taga-Burgos, at Alfonso Valdez, 39, ng Sitio Batang-Batang Balayan, Victoria, Tarlac na umabot ‘di-umano hanggang alas-tres ng umaga ng April 24.

Sa report, nakita pa ng isang testigo na magkasama pang naglalakad ang biktima at ang itinuturong suspek na si Alfonso Valdez patungo sa nasabing kanal.

Sinabi naman ng ama ng biktima na si Fortunato Pioquinto, Sr., bago ang insidente ay may nasabi sa kanya ang biktima na, ‘That if he dies,” si Valdez ang umano’y papatay sa kanya.

Napagalaman din na live-in partner ng biktima si Romynita Estillore ng Sitio Sawmill, asawa ng suspek.

Dahil dito, buo ang hinala ng ama ng biktima na matandang alitan at love triangle ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak. Ver Sta Ana

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply